so, ganito yon no.
(flashback)
asa saras kami ni carlo at ni butch. kakatapos lang namen ni butch at mike manood ng play ni anton juan tungkol sa mga kabataang hindi pinalad sa buhay (understatement) at as usual, saras ang bagsak namen pagkatapos. makaraan ang ilang beer, makalipas ang huntahan sa iba't ibang tao, at ang pag uwi ng ilan, nag decide kami ni carlo na umuwi na rin. pero dahil ang butch ay ayaw paawat, nanlibre pa ng isang round ang hitad. bilang batang may field trip kinaumagahan, nag dalawang isip pa ko bago umoo (mimi girl moment). so midway into my beer, numinipis na ang mga tao sa saras nang ibglang may kumamot na gulong ng sasakayan.nagtayuan ang mga tao at nagsimulang mag usyoso. ako, bilang primadonna, ay hindi natinag at nagsabing "hay nako, mamaya na ko uusyoso".
hindi ko na napigilan nung nakita ko nang tumakbo bigla si butch at may nadinig akong tili (hindi ko pa kailanman nakikitang tumakbo si butch pero nadinig ko na shang tumili, hindi ko lang alam kung sha din nga yung nadinig ko). tumayo na ko agad at pumunta sa kumpulan ng mga tao.
una kong nakita yung dugo. matagal na kong hindi nakakakita ng ganung karaming dugo ng tao na nakakalat lang. tancha ko nasa isang litro yung naka kalat sa daan. gravitational pooling ika nga ng mga taga CSI Vegas. sa unang assessment, either malaki talaga ang tama sa biktima at ganun kabilis lumabas yung dugo o matagal na shang tinitignan lang ng mga taong nakapalibot at umabot sa ganun karaming dugo ang lumabas sa kanya. mula sa ilong bibig tenga at bandang batok nanggagaling ang dugo. sloped ang kalsada ng CP garcia; nasa 3-4 na piye na ang ginagapang ng dugo.
may babae sa tabi ko na nag sisisigaw lang. hindi ko na matandaan kung busy ba ko sa pag tingin sa biktima o wala lang talagang kwenta yung mga pinag sisisigaw nya. tapos bigla kong naisip at sinigaw na rin na " wag nyo muna shang galawin! baka bali yung leeg!" pero dahil may response naman sa mga binti nya, binuhat na namin agad sha ng ilang mga manong papasok sa sasakyang nakabangga.
halatang kabado yung driver. nakahawak lang sa ulo nya at sabi lang ng sabi na "anong gagawin ko? tulungan nyo ko!" tisoy,mejo bata pa, malinis tignan. yung sasakyan, vios ata, itim, basta yung mga maliliit na kotse. naalala ko lang nung pinunas ko sa tail lights nya yung naiwang dugo sa kamay ko. nakalimutan ko ng kunin yung plate number. "di bale" ika ko, sumama naman si butch sa kanila at may 2 pang extra na manong na nag buhat.
nung nag 3point turn sha sa manansala, hinabol ko pa sha at sinabihan na mag hazard na papunta sa hospital.
bumalik kami ni carlo sa saras matapos nilang makaalis. binalikan namin ang mga gamit namin at kung ano pang natira. dumerecho muna ko sa likod para mag hugas ng kamay; may tira pang dugo. inaasses ko kung pano humantong sa ganung posisyon ang mga bagay bagay. nakaharap ang sasakyan papunta sa katipunan at nakahilata si manong sa may harap na ng likha diwa. ang ulunan ay nakaturo sa direksyon papuntang UP. ang sasakyan naman, basag ang wind shield sa gawing kaliwa at kupi ang bumper sa may kaliwa rin. iniisip ko na baka galing ng KNL si manong at nahagip ng sasakya papuntang katipunan. unang tumama ang tuhod, umangat at humampas ang ulo sa may bahagi ng tenga sa wind shield kaya baka pumutok ang eardrum at maraming dugo. matapos kong buuin ang aking teyorya, pinilit kong makausap si carlo na mejo nanginginig pa rin at dun na rin namin nalaman kung gaano kabilis mag shift ang emosyon at atensyon ng mga tao at na naiwan ni butch ang telepono nya. pagkatapos ng ilang mga yosi at mga tanong mula kay ate ems at jane, inudyokan ko si carlo na suyurin nalang namin ang mga ospital sa paligid para hanpin sila.
en route sa east ave. via QCMC, tumawag yung kapatid ni butch at sinabing asa V. Luna hospital daw sila. nung makapasok kami sa compund ng ospital, sinabi ko kay carlo na baka may kapit yung bata, sa military sponsored hospital dinala eh. derecho kami sa ER at inabot kay butch ang gamit nya. habang patuloy tuloy kong nadidinig na nag bibitch tong doktor sa ER na wala daw sialng CT scan at wala daw silang magagawa.yun lang ang paulit ulit nyang sinasabi pero hindi man lang sha nag aalok ng alternative. hindi ko na nakayanan at sumabat na ko (dahil shaken pa rin yung nakabundol at parang lost yung mga manong na kasama ng biktima) " e anong bang primary assessment, dok?" ang sinagot lang nya ay "hindi maganda" in the most irate way possible. (sa isip-isip ko, aba putanginang kupal to a) tapos tanong uli nang e saan po ba may CT scan? ano pa bang pwedeng gawin? cleared ba sya for transport?
(nung nag simula na kong magsalita ng ganito, mejo mas lalo ata shang naiirita at parang kaalerto ng kaunti) pwede nyo ba kaming pahitramin ng ambulansya? babayaran naman yung transportation cost eh! at ang lame ass answer nya ay "e hindi eh, walang ambulansya eh"
hindi ako authrized na mag release ng ambulansya ngayon. pagkasabi nya nito ay tinalikuran ko sha at sinabi kay jay, "tangina, kunin mo yung pangalan nyang tarantadong doktor na yan" (sa pagkakataong ito, may pangalan na sha, jay. sinabi ni butch ito somewhere between all these.) nakipagpalit pa ng baterya sakin tong si jay dahil namatayan sha ng batt at lalong hindi na nya alam ang gagawin. tapos nadinig ko pa yung doktor na hinihiritan yung isang manong na "e pano ba nakaabot yan dito?" (pertaining to the question "pano namin sya dadalhin sa ospital na may CT scan?") so nagka resolution na lang na ilipat si manong ng ospital and get the hell out of that god forsaken place. dito sa v. luna ako nakasagap ng konting kwento mula dun sa isang manong. gwardya pala sila. etong manong na kausap ko, sa Vargas ang destino at yung biktima, sa NCPAG. uminom daw sila tapos tatawid ng CP garcia para mag lugaw sa KNL. dito ko naisip na mali pala ang teyorya ko. sa kabila pala galing si manong NCPAG at tumilapon sya papunta sa direksyon ng saras. tumawid ng dalawang lanes in mid air sa lakas ng tama ng sasakyan.
so nilabas na si manong NCPAG na naka gurney at ibabalik na sha sa sasakyan ni jay dahil walang ibang means for transport. tinanong ko yung nurse or med tech "bos, may stretcher ba kayo? para lang mailipat natin ng maayos" then he snapped back at me saying "e ano pa bang gusto nyo? ginawa na namin lahat ng makakaya namin a!" mind you, manong ncpag was still breathing and was moaning ang grunting. then i said "e pano namin sha ililipat? tangina naman o! yung kutson, pwede ba naming hramin?--- lame excuse---e yung kobre kama man lang? para malipat ng maayos to? tangina namang ospital to o!" we settled for the bed sheet then immediately transfered manong ncpag to the car and it sped away. i couldnt recall it untill carlo confirmed that the buzz behind us was that the car was counterflowing and was not following the compound's traffic rules.
next stop was the heart center. hindi kami nagtagal dito dahil walang kwenta talaga yung mga tao. pagdating namin ni carlo dun, nakababa na yung dalawang manong at sinasabi na ni butch na "im professor guererro from UP. can you please help us?" magulo yung mga pangyayari sa heart center at hindi ako masyadong nakasabay. nawawalan kasi ako ng 200 at yun na lang ang pera ko at may field trip pa ko kinabukasan (piso-piso nga yung binayad ko sa taxi eh). basta ang natatandaan ko lang ay may anim na (i assume, dahil malinis silang tignan with their coats and stethoscopes) doctor na naka tanga lang at may isang tumatangging tanggapin yung pasyente dali wala daw yung medico legal nila. may parteng may nagsabing ipasok na daw, so humingi ako ng stretcher. pero ang dumating samen ay isang wheel chair. hindi ko alam kung ano yung magiging reaksyon ko dun sa naglabas ng wheelchair. nung nakita ko yung reaksyon nya nung nakita nya si manong ncpag sa likod ng sasakyan. natigilan at bahagyang napanganga yung janitor. nasigawan ko pa tuloy sha ng "stretcher sabi eh! tanga!" ang ending hindi na namin binaba ng sasakyan si manong ncpag at sinigawan ni butch ang mga taga heart center ng "And You Call Yourself Doctors!??!?!?!?!?" sabag bagsak ng pintuan at pinagmaneho si jay papuntang east eve med center. alalahanin nating 50-50 na si manong ncpag.
sa EAMC unti unting napunan yung mga detalyeng kulang. si jay pala, walang lisensya. si other manong (tatawagin nating shang manong red), ngayon lang nakasama ni manong vargas at manong ncpag. si manong ncpag may dalawang anak, 1yo at isang hindi pa pinapanganak. 23 yo na si jay at sori pa ren ang karamihang laman ng bokabularyo nya. "long" ang pangalan ni manong ncpag ayon kay manong red.
pagdating sa eamc, at least duon, pinapasok agad si manong ncpag (hindi ko muna gagamiting ang long dahil duda ako ng malala kay manong red; isa shang malaking doooouche). may konting taranta pa dahil hindi aga sha pinapansin at nag ggurgle na daw sha ng dugo. sa puntong ito, hindi na kami pumasok ni carlo sa loob. si butch nalang, si manong red at si manong vargas. kinailangang bumili ng gamot at dahil dinetain ni manong guard sa eamc si jay, napakiusapan kaming umili ng niresetang gamot. sa btika sa likod ng eamc, pumunta kami at agarang umalis din. 500 ang binigay na pera samin ni jay pero ang 4 na gamot ay nagkakahalagang 10,373.50. may tinawagan si jay na kaibigan na sobrang mukang kupal pero mukang nakatulong naman yon sa pagbili ng mga kailangan gamot at sa pag bayad para ma admit si manong ncpag sa ospital para ma ct scan na. nagkaroon pa kami ng sagutan ni manong red nung matapos damputin ng pulis si jay at dinala na sila sa karingal kasama ni douche friend nang biglang lumabas si ate ruby (kapatid ni manong ncpag) at may kailangan daw bayaran. tinawagan ni butch si jan ay etong si manong red nag hihihirit na "kasama nyo yun eh! kaibigan nyo yun ano! ser peram ako ng selpon mo mamaya a!" todo bintang si puta kaya hindi ko na napigilan "putangina naman eh! tumulong na nga, mapagbibintangan pa!" dito mejo kumalma si manong red at nag sori saken "alam ko namang walang ibang laman yung kotse eh"
nagkaroon pa ng episode na bumalik kami sa botika dahil ang tagal bumalik ni douchefriend mula sa pagbili ng swero. pag punta namin sa botika, wala daw dumaan na nagmamamtch sa description ni douchefriend, sabi ni ate cahera. nag isip kami ni carlo na baka umisplit si douchefriend at iniwan sa ere yung kaibigan nya. apparently, mali kami dahil pag balik namain ng eamc, andun na si douchefriend at nakalagay na ang swero kay manong ncpag.
matapos ang ilan pang oras at admitted na rin sa hospital si manong ncpag at naroon din naman si douchfriend para mag handle ng expenses, napag desisyunan na naming umalis ;415 na ng umaga ito at may field trip pa ko ng 6. may assurance naman daw na i sscan na si manong ncpag at immediately ooperahankung anoman ang kailangan.
FFWD--->> kinagabihan ng fieldtrip, sabado, nag text saken si butch na naoperahan na daw si manong at nasa recovery na daw. magandang balita para sa lahat.
FFFWD---->>> kanina lang habang naonood ako ng cold case sa C/S, ang opening nila ay may duktor na matapos ang isang bypass at napapunta sa ER dahil may pinasok na pasyente na inatake daw sa puso, binuhay nya muli ang pasyente gamit ang defibrilator habang ang intern nyang anak at matamang nanonood. matapos ang nakaka exhilirate na eksena sa er ay inalo pa nya ang nagpapanic na asawa ng pasyente. ang backgroud music ay yung "hero" na dance hit nung 80's, yung kanta ni bonnie tyler. pagkatapos ng opening patalastas na. habang patalastas, tumawag saken si butch na sumisinghot (baka may sipon nanaman)
"myk, si butch to"
"oo, alam ko. may pangalan ka sa fnebook ko"
"leche, ka. asan ka ba?"
"asa bahay. anong meron?"
"wala na si manong. kaninang umaga ko nalaman pero hindi ko alam kung pano ko sasabihin...